Blogject Act. 1: Pagsuko

Disclaimer: This is going to be a tagalog blog.

“Maaari ba muna natin itong pag-usapan sa dami-rami na ng ating pinag daanan” ..isusuko mo nalang ba ang mga pinagsamahan ninyo dahil lang sa isang pagkakamali o isang away lang? Hindi mo na ba siya kayang pagbigyan ng pagkakataon para magbago at maitama ang kaniyang mga mali? “Ngayon mo pa ba maiisipang isuko ang lahat ng ating pinag samahan” ..hindi ka ba nanghihinayang na masayang ang mga nabuo ninyong ala-ala? “Masikip sa damdamin hinigop ng hangin ang lakas, pinaghihinaan ng wagas. Pwede bang pag isipan wag ka munang lumiban baka sakali na ito ay masalba pa” pagod ka na bang ipaglaban siya o pagod na siyang ipaglaban ka? Wala na nga bang forever o papatunayan mo paring kaya mo hanggang sa huli? “Lumalamig ang gabi, hindi na tulad ng dati.” Parang dati lang araw araw kayong magkausap, nag-aasaran, nagtatawanan, pero anong nangyari ngayon? Hindi mo alam kung kumain na ba sya, hindi mo alam kung anong ginagawa nya, hindi mo alam kung kelan ulit kayo magkakausap.

Kung kaya mo namang ipaglaban ang taong mahal mo, gawin mo. Mahal mo nga diba? Lahat gagawin mo para hindi siya mawala sa tabi mo. Lahat gagawin mo para sabay kayong mapuntahan ang happy ending ninyo. Kapag hindi pa happy, hindi pa ending iyon. Matuto kang maghintay. Matuto ka lumaban sa mga pagsubok na dumating sa inyong pagsasamahan. May pag-asa pa ba o susuko ka na?

Advertisements

4 thoughts on “Blogject Act. 1: Pagsuko

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s